Tibo na nagkakagusto sa kaibigang lalaki
- ROMA AMOR
- Dec 16, 2018
- 1 min read

Dear Roma,
Ako si Charlotte, 21 years old at titibu-tibo. May problema ako ngayon, ‘yung tropa ko kasing lalaki, eh, medyo natitipuhan ko na, ‘yun bang gusto ko siyang makasama palagi. Naguguluhan ako kung tibo ba talaga ako o hindi? Sana, matulungan ninyo ako sa aking problema. Maraming salamat! — Charlotte
Charlotte,
Alam mo, kute, hindi naman porke tibo ka na, eh, hindi ka na puwedeng magkagusto sa lalaki, ‘yung iba nga riyan nagkakaanak pa rin, eh. Kaya ang maipapayo namin sa’yo ngayon, sundin mo lang ang itinitibok ng puso mo, malay natin gusto ka rin pala ng lalaking tinutukoy mo. Huwag kang maging nega sa buhay, mag-isip ka lang ng mga positibong pananaw. Kakayanin mo ‘yan, ikaw pa ba? Good luck at God bless!





Comments