top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pramis, kung ang iba, tsinugi… SIGAW NI TONI: AKO ANG UMALIS SA ASAP!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 16, 2018
  • 2 min read

LEVEL-UP na si Toni Gonzaga dahil bukod sa pagiging artista, TV host, singer at model, producer na rin ito ngayon.

Yes, si Toni ang sumugal sa kanyang dream project na suwerte namang napili at nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2018 eight official entries, ang Mary, Marry Me na mula sa kanyang bagong film production na TinCan katuwang ang Ten17P Productions ng kanyang mister na si Direk Paul Soriano at mula sa direksiyon ni RC delos Reyes.

Inamin ni Toni na savings nila ni Direk Paul ang ginamit niya sa pagpo-produce ng Mary, Marry Me kung saan kasama niya ang sister na si Alex Gonzaga at leading man nila si Sam Milby.

Although may share rin si Alex, mas malaki ang portion na ibinigay ni Toni, na suportado naman daw ng kanyang mister at wala naman daw siguro silang pag-aawayan sa pera kumita man o hindi ang kan­yang first movie venture.

Katwiran ni Toni — na sinabi rin naman daw sa kanya ni Direk Paul — ‘wag matakot sa bago niyang papasukin, dahil ang maha­laga, sinubukan niya at anuman ang mangyari, para itong sugal na pu­wedeng kumita at puwede ring hindi.

Super excited si Toni sa bagong mundong pinasok at balak daw niyang ituluy-tuloy ang pagpo-produce kaya mag-aaral na rin siya ng tungkol sa movie production para sa kanyang future projects.

Samantala, nilinaw ng press kay Toni kung ka­sama pa rin ba siya sa ASAP Natin ‘To o kabilang siya sa mga ‘natanggal’.

Paliwanag niya, siya ang nakiusap sa mga bossing ng Dos na dahil nagho-host siya ng PBB everyday, pahinga muna siya sa ASAP, pero anytime naman daw ay puwede siyang bumalik.

So, malinaw na si Toni ang nagpa­alam at hindi siya ang tinanggal sa ASAP Natin ‘To.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page