NU VOLLEY TEAM, CHAMP SA 19TH ASEAN UNIVERSITY GAMES


INAGAWAN ng Team Philippines na kinatawan ng reigning UAAP men’s champion National University ng korona ang dating kampeong Thailand sa pamamagitan ng 27-25, 25-21, 22-25, 25-20 paggapi sa 19th Asean University Games men’s volleyball tournament sa Naypithaw, Myanmar.
Ipinakita ng mga Pinoy ang matinding determinasyon upang maangkin ang titulo sa biennial competition ng mga student-athletes ng rehiyon. Pinatunayan ito ng ginawa nilang 4-0 pag-sweep sa kabuuan ng torneo.
Pagkaraang makaungos sa extended first frame, nasingitan pa sila ng mga Thais sa 3rd set bago muling nagtulung-tulong sa 4th set sina Bryan Bagunas, Francis Saura at libero Ricky Marcos upang tuluyang maisiguro ang panalo.
Bunga ng naging tagumpay, nahigitan ng mga Pinoy ang bronze medal finish na naitala nila noong 2016 edition sa Singapore. (VA)





Comments