19TH PHILTOBO GRAND C’SHIPS AT CHAIRMAN’S CUP NGAYON
- Green Lantern
- Dec 16, 2018
- 2 min read

PUNUMPUNO ng aksiyon ngayon ang matutunghayan ng “Bayang Karerista’ sa pagtikada ng 19th Philtobo Championship sa bakuran ng Saddle and Club Leisure Inc.(SCLI) sa Santa Ana Park, Naic,Cavite.
Kasabay nito matutunghayan din ang 2018 Philracom Chairman’s Cup na paglalabanan ng 3-year old na mananakbo na may kaakibat na premyo na P2-M sa unang apat na makatatawid sa finishline.
Sa panimula ng karera maghaharap sa 3-year old Open Challenge Race ang limang mananakbo na pawang imported at pinapaboran ang Pride of Laguna at Viva Morena.
Susundan ng apat na karera ng Philtobo mula Race 2 hanggang Race 5 na pawang may premyo sa mananalong kalahok.
Susundan kaagad ng pinakahihintay na pakarera ang 2018 Chairman’s Cup na paglalabanan ng 12 mananakbo tulad ng The Barrister, Doktora, Super Sonic, Sheer, Courageous, Smell My Tail, Box Office, Speedmatic, Disyembreasais, Gold Smith at Critical Moments.
Tatanggap ng P1.2-M ang tatanghaling kampeon at trophy at may nakalaan na P450,000 ang 2nd place,P250,000 sa 3rd placer at mag-uuwi ng P100,000 ang 4th placer.
Susundan kaagad ng dalawang Philtobo Grand Championship at magaganap ang Philtobo-Philracom Juvenile Championship na may papremyong P3-M sa unang apat na makatatawid sa finishline.
Susundan ng Philtobo-PCSO Juvenile Fillies Championships na may nakalaang papremyo na P1-M para sa apat na makatatawid sa unahan.
Tip ni Mang Ding
Race 1-Pride of Laguna(5) Viva Morena(4) Race 2 -Entry No.4 , Congressional (7) Race 3- Boy Paradise(12) Sande(4) Race 4-Serafina (3) Royal Bell(2) Race 5-Señor Lucas(1)Gentleman Jim(14) Race 6- Super Sonic(3) Box Office(6) Race 7 Oasis (7) Yes All Wee Bet(8) Race 8 -Awat na Boy(4) Salinas (11) Race 9 - Entry No. 3, Full of Grace(4) Race 10 -Entry No.10, Misha (3) Race 11- Diamond Away(10) Expensive(6) Race 12- Storm Chacer(13) Principal Queen(1) Pick 4 (9-12) 3/10-3/6-10/13-1
1st Pick 5 (1-5) 5-4/4/4-12/3/1
2nd.Pick 5 (4-8) 3/1/1-6/5/4-8
3rd Pick 5 (8-12) 4-6/3/10-3/6-10/13-1
1st.Pick 6 (3-8) 4-12/3/1-14/3-6/5/4-8
2nd.Pick 6 (5-10) 1-14/3-6/5/4-8/3/10
3rd. Pick 6 (7-12) 5/4-8/3/10/6-10/13-1
1st.WTA (2-8) 4/4-12/3/1-14/3-6/5/4-8
2nd WTA (6-12) 3-6/5/4-8/3/10/6-10/13-1





Comments