top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

SWIMMING WONDERS NG PSL, MAGPAPATULOY SA KAMPANYA

  • Clyde Mariano
  • Dec 15, 2018
  • 1 min read

KAMAKAILAN tat­long mga batang atleta na sina Margilyn Didal, Yuka Saso at Christian Teo ang nanalo sa Asian Games sa Indonesia at World Youth Olympics sa Buenos Aires, Argentina.

Dalawang batang swimming wonders sina Micaela Jasmine Mojdeh at Marc Bryan Dula ang pinaka-latest sports stars na naging instant celebrities at ikinuwen­to nila ang kanilang tagum­pay sa TOPS Usapang Sports mula sa prestihiyosong pag­sabak sa Hamilton Acquatics Long Distance Course Swimming competition sa Dubai, United Arab Emirates.

Ang 11-anyos na taga-Northern Samar na si Dula ay may 8 ginto at isang pilak habang ang 12-years old na si Mojdeh, anak ng Iranian at Pinay ay may 7 gold at isang pilak ay hinangaan ng mga kalaban at mga nanood galing sa iba’t-ibang mga bansa. Dinomina ni Dula ang 50m backstroke (32.85), 100m butterfly (1:07.63), 200m butterfly (2:36.17), 200m backstroke (2:35.55), 400m freestyle (5:00.35), 50m butterfly (30.37), 100m backstroke (1:11.92), at 50m freestyle (28.85). Nasungkit din ng Pinoy ang pilak sa 200m individual medley (2:36.71).

Tinalo ni Mojdeh ang mga kalaban sa 500m butterfly (30.17), 200m individual medley (2:31.81), 100m breastroke (1:19.09), 400m individual medley (5:23.49), 100m butterfly (1:05.17), 200m butterfly (2:21.31), at 50m breastroke (36.34) at idinagdag ang pilak sa 200m breastroke (2:55.10).

Sinabi ni Mojdeh, nag­diwang ng kanyang 12th birthday noong Hunyo 7 na gusto niyang ipagpatuloy ang paglangoy para sa ‘Pinas at makatulong sa medal campaign.

“Pangarap kong iban­dila ang ‘Pinas sa darating na panahon. Pag-ibayuhin ko pa ang performance at panatilihin ang galing sa swimming at maging ganap na national athlete,” sabi ni Mojdeh. Ang partisipasyon nina Mojdeh at Dula ay sinuportahan ng Philippine Swimming League.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page