PHILRACOM CHAIRMAN’S CUP 3RD LEG 3-YR OPEN SA NAIC

GAGANAPIN bukas ng hapon Disyembre 16 ang 2018 Philracom Chairman’s Cup at 3rd Leg 3 Year Old Open Challenge Series sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic,Cavite.
May nakalaang papremyong P2-M ang unang apat na kalahok na makatatawid sa finish line mula sa distansiyang 2,000 meters.
Tatanggap ng P1.2-M at trophy mula sa Philippine Racing Commission (Philracom) ang tatanghaling kampeon.
Samantala makatatanggap ng halagang P450,000 ang 2nd placer,P250,000 sa 3rd placer at P100,000 sa 4th placers. Pangungunahan ang mga kalahok ng Box Office, Critical Moment, Courageous, Disyembreasais, Doktora, GoldSmith, Sheer, Smell My Tail, Speedmatic, Super Sonic at The Barrister.
Inaasahan ng Bayang Karerista na maglalaban sina Box Office, Disyembre, Speedmatic at The Barrister sa Chairman’s Cup.
Sa kabilang dako, maghaharap sa 3rd Leg 3 Year Old Open Challenge Series ang mga kalahok na Born In April, Brown Sister, I love Jane, Pious Ashly, Pride of Laguna at Viva Morena.
May nakalaang papremyo na P900,000 sa tatanghaling kampeon, habang tatanggap ng P337,500, pagkakalooban ng P187,500 ang 3rd place at P75,000 sa 4th place. Asahan na maglalaban laban ang Viva Morena, Pride of Laguna at Born In April.





Comments