Kathryn, type ng UAAP superstar… RICCI, 'DI FEEL KALABAN SI DANIEL SA BASKETBALL


WOULD you believe na ang sikat na sikat na UAAP (University Athletic Association of the Philippines) basketball player na si Ricci Rivero ay big fan ni Kathryn Bernardo?
Aminado rin siyang crush na crush niya ang aktres simula pa noong Mara Clara days at wala pa sa buhay nito si Daniel Padilla.
Ayon kay Ricci nang makatsikahan namin sa presscon ng horror film na OTLUM na official entry to 44th Metro Manila Film Festival, from the start ay sinubaybayan daw talaga niya ang career ni Kathryn.
“Iba talaga ‘yung tingin ko kay Kathryn na parang may something special talaga sa kanya. And then, nu’ng dumating si Daniel, iba kasi ‘yung dating ni Daniel,” he said.
From then on, naging fan na rin daw siya ng KathNiel love team at lahat ng pelikula ng dalawa ay pinanood niya. At bagama’t aminado naman siyang attracted kay Kathryn, wala raw siyang balak na agawin ito kay Daniel dahil nga idol niya ang dalawa.
Pero paano kung hamunin siya ni Daniel sa isang one-on-one basketball game, papayag ba siya?
“Ah, puwede bang magkakampi na lang kami?” natatawa niyang sey. “Kasi, siyempre, ayaw mong kalaban ‘yung idol mo.”
What if may offer na movie at magiging ka-love triangle siya ng KathNiel?
“Ah, pass talaga,” pahayag ng 20-year-old basketball player.
“Basta du’n lang ako sa idol ko sila, puwedeng extra ako sa movie nilang dalawa. Sila lang dalawa.”
Ayaw niya talaga?
“Ayaw ko po, kasi idol ko, eh. Iba ‘yung respeto sa kanila.”
Hindi naman niya aagawin si Kathryn at sa pelikula lang naman kung sakali, ‘di ba?
“I’m not saying naman po na aagawin or what, pero the fact na nandu’n ako sa love triangle, hindi talaga, eh,” sagot ng binata.
Showbiz crush din daw niya si Liza Soberano pero hindi kasingtindi ng paghanga niya kay Kathryn.
Samantala, sa kanyang basketball career, dating player ng De La Salle Green Archers si Ricci pero this school year ay nag-transfer siya sa University of the Philippines kaya nasa team na siya ng UP Fighting Maroons.
When he transferred, isang taon muna siyang hindi puwedeng maglaro and since wala raw siyang gagawin, dito na niya ikinonsidera ang mga offers sa showbiz.
You see, hindi kataka-takang magkaroon ng offers si Ricci na mag-artista dahil nga sikat na sikat siya sa mundo ng basketball at nakakalula ang dami ng kanyang mga fans.
Pero sa ngayon ay hindi pa raw niya alam kung magtutuluy-tuloy siya sa showbiz dahil ang priority pa rin niya ay basketball. Basta hindi raw makaka-conflict sa schedule niya bilang manlalaro ay tatanggapin naman niya kung may offer for a movie or tv project.
Ang OTLUM (binaligtad na multo) ay isang barkada movie na aside from Ricci ay pinagbibidahan din nina Jerome Ponce, Michelle Vito, Vitto Marquez, Buboy Villar at Danzel Fernandez na anak nina Sheila Ysrael at Dan Fernandez.
Mula sa direksiyon ni Joven Tan under Horseshoe Studios, the movie opens on Dec. 25.





Comments