After kumalat na nasa rehab… DIEGO, TULUYAN NANG PINATAY SA SERYE
- BULGAR

- Dec 15, 2018
- 1 min read

NALUNGKOT ang mga fans ng Kapamilya seryeng Los Bastardos dahil mukhang hindi na nga makakabalik pa ang karakter ni Diego Loyzaga na matatandaang ilang linggo nang hindi napapanood at pinalabas na nagbakasyon sa ibang bansa.
Kung matatandaan, ilang linggo na ang nakararaan ay lumabas ang isyung nagtangkang magpakamatay si Diego, na idinenay naman ng anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.
Kasunod nito ay ang bulung-bulungan sa showbiz na nasa rehab daw si Diego kaya pansamantalang hindi nakapag-taping ng Los Bastardos.
Pero sa takbo ngayon ng serye kung saan pinalabas na bumagsak ang eroplanong sinasakyan ng karakter ni Diego pauwi ng ‘Pinas, marami ang nag-speculate na tuluyan na ngang pinatay ang young actor sa Kapamilya Gold serye.
Well, nakakapanghinayang naman talaga dahil kung kelan pa naman nabigyan ng magandang role si Diego at napapansin na rin ang kanyang pag-arte, saka pa siya biglang nawala.
Sana nga ay makabalik pa si Diego sa showbiz.





Comments