top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

300-kilo ng ‘botcha’ nakumpiska

Pabs Hernandez III
Dec 15, 2018
1 min read

NAGA CITY—Kinumpiska ng mga awtoridad ang may 300 kilo ng “botcha” o double-dead na karne ng baboy, kamakalawa sa mga meat shop sa lungsod na ito.

Hindi muna pinangalanan ang mga suspek na nahulihan na nagbebenta ng “botcha” hangga’t nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.

Nabatid na may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na mga “botcha” ang itinitinda sa ilang meat shops sa lungsod kaya agad silang nagsagawa nang pagsalakay at dito nakumpiska ang mga double-dead na karne ng baboy.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng supplier o nagbabagsak ng mga “botcha” sa mga meat shop sa lungsod.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page