top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

SOLONG PANALO SI IM NAVA VS. INDONS SA OPEN DIVISION

  • Eddie M. Paez Jr.
  • Dec 14, 2018
  • 2 min read

MINARKAHAN ni In­ternational Master Roderick Nava ang kanyang pangala­wang sunod na tagumpay upang halos magsilbing so­long tagapagwagayway ng Philippine tri-colors sa Open Division ng ginaganap na 2018 Asian Intercontinental Chess Championships sa Tiara Hotel ng Makati.

Taas ang banderang puti ni Indonesian IM Novendra Priasmoro sa husay ni Nava, seeded no. 44 at may FIDE Rating na 2359, sa pangat­long round ng torneong nila­lahukan ng mga malalakas na chessers mula sa China, In­donesia, Uzbekistan, India, Iran, Mongolia, Khazakstan, Singapore, Cambodia, New Zealand at Vietnam.

Dahil sa panalo, nakadi­kit na si Nava, may rekord na 2.0 puntos, sa mga tuma­trangkong 12 dayuhan at ngayon ay kalahating puntos na lang ang agwat ng mga ito sa Pinoy.

Siya ay bahagi rin ng 10-kataong 2nd pack at mag­kakasama sa pang-13 bay­tang sa 9 na rounds na pa­lig­sahang tinatawag ding 2nd Pacquiao Cup.

Ang nangungunang gru­po ay binubuo ng tatlong Int­sik, dalawang Iranians, da­lawang Indians, isang Uz­be­kistan bet at isang Kha­zak na puro Grandmasters at isang sorpresang entry ga­ling sa Malaysia na isang FIDE Master lang.

Isang buong puntos sa likod ng liderato at naghahati sa 24 na puwesto at may tsansa pa sa limang tiket pa­punta sa FIDE World Cup ay 18 chessers kasama na ang mga Pinoy na sina GM Rogelio Antonio, Jr., IM Ha­ridas Pascua, IM Ricardo De Guzman, IM Jan Em­manuel Garcia, FM Jose Mari Tur­queza at ang bina­tilyong si Michael Concio Jr.

Matamlay din ang pagla­lakbay ng mga kababaihang chessers ng bansa dahil ang angat sa mga Pinay pagka­ta­pos ng tatlong rounds na si WFM Allaney Jia Doroy ay isa’t kalahating puntos na ang layo sa trangko na ha­wak ng isang Vietnamese at isang Mongolian lady wood­pus­hers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page