top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ngayong oks na uli, nagbeso-beso pa… BALIKANG PIOLO-JUDAY, APRUB SA FANS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 14, 2018
  • 2 min read

PINAGPIPISTAHAN ngayon ng mga fans nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual (yes, may mga fans pa rin ang love team nila) ang video na nai-post sa Instagram last Wednesday kung saan ay makikitang aksidenteng nagkita ang dalawa sa elevator ng Novotel Hotel sa Cubao, QC.

Makikita rin sa video na nagbeso-beso ang dalawa nang magkita at nagtsikahan nang kaunti.

“Waaaah! PIOLO-JUDAY! Alam ko na bakit sobrang tagal ni Papapi nag-antay ng elevator.. kasi nakatadhana na magkita sila ni Juday! hahaha! Movie naman dyaaaan! @direkbinibini direk ito na ba ang sign? haha!” ang caption ng nag-post na may handle name na piolopascual_ph.

Ang direkbinibini na tinutukoy niya ay si Direk Joyce Bernal na noon pa nagpaplano ng reunion movie para kina Juday at Piolo pero hindi nga matuluy-tuloy.

Obvious din na masayang-masaya ang nag-post ng video, pati na rin ang mga net­izens na nag-comment sa pagkikita ng dalawa. Dito pa lang ay kilig na kilig na sila kaya paano na kung gagawa pa sila ng movie?

At ang daming naiinip sa reunion movie ng dalawa. Request nilang lahat na sana ay matuloy na.

“Ahhhh! Kailan ba ang movie reunion n’yong dalawa.. Pls Star Cinema.. sobrang miss ko na po cla..

grabeee super nakakakilig pa po dn cla.. Pls I beg u Star Cinema movie reunion na plsssss..thank u po..GOD BLESS u both..Ms. Juday and Mr. Piolo..” isa lang sa napakaraming komento na humihiling ng comeback movie nina Piolo at Juday.

Matatandaang noon pa sinasabi ni Piolo na anytime ay ready siyang gumawa ng movie with Juday at ang aktres na lang daw ang hinihintay niya. In fact, may naka-ready na nga raw na materyales para sa kanila.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page