Malinaw ayon sa palad... BABAENG HINDI COMPATIBLE SA MANLILIGAW AT DATING ASAWA
- BULGAR

- Dec 14, 2018
- 2 min read

KATANUNGAN
Hiwalay na ako sa aking asawa dahil hindi kami magkasundo sa maraming bagay at hindi ko alam kung bakit, hindi siguro kami compatible sa isa’t isa.
May nanliligaw sa akin ngayon, si Mr. Libra, na isinilang noong October 15, 1982, pero hindi ko pa siya sinasagot dahil umaasa akong magkakabalikan pa kami ng aking asawa at saka natatakot akong sagutin si Mr. Libra dahil baka lokohin lang niya ako.
Magkakabalikan pa ba kami ng asawa ko? July 2, 1989 ang birthday ko at December 12, 1985 naman ang birthday ng asawa ko.
Pakitingnan na rin kung ano ang sinasabi ng guhit ng aking mga palad?
KASAGUTAN
May tama ka riyan, Mara, hindi nga kayo compatible ng iyong asawa dahil ang zodiac sign mong Cancer tulad ng nabanggit na ay hindi tugma sa zodiac sign na Sagittarius ng mister mo, gayundin ang birth date mong 2 ay hindi suweto sa birth date na 3 ng iyong mister.
Ngunit, hindi ibig sabihin nito ay ka-compatible mo na si Mr. Libra na nanliligaw sa‘yo ngayon na isinilang noong October 15, 1982.
Sa halip, ang katotohanan ay hindi rin ka-compatible ng zodiac sign mong Cancer ang Libra at ang birth date niyang 15 o 6 (1+5=6) ay hindi rin ka-compatible ng birth date mong 2. Sa madaling salita, tama ang pakiramdam mo, hindi mo dapat sagutin si Mr. Libra na nanliligaw sa iyo sa kasalukuyan dahil sa bandang huli, lolokohin ka lang niya at magkakahiwalay lang din kayo.
Ang pag-aanalisang posibleng hindi na rin kayo magkabalikan ng asawa mo, na hindi mo naman ka-compatible sa Astro-Numerology na pag-aanalisa ay madali namang kinumpirma ng nabiyak na unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na magkabalikan man kayo, tiyak ang magaganap, pansamantala lang ‘yun dahil kapag muli kayong nagsama at nag-away tiyak na sa paghihiwalay din hahantong ang nasabing relasyon.
Buti na lang at may ikalawang mas malinaw at mas magandang Marriage Line (Drawing A. at B.2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa ikalawang pag-aasawa, sa piling ng lalaking Scorpio, Pisces o kaya ay Capricorn na may mga birth date na 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25, tiyak ang magaganap, may pangako na ang kapalaran na maligaya at panghabambuhay na pag-aasawa.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, tulad ng nasabi na, sa ikalawang pag-aasawa, tiyak ang magaganap, makasusundo mo na ang lalaking may zodiac sign na Scorpio upang minsan pa sa ikalawang pag-aasawa, tuluyan ka nang makasusumpong ng maligaya at panghabambuhay na pamilya na nakatakdang mangyari sa taong 2021 sa buwan ng Nobyembre, sa edad mong 32 pataas.




Comments