top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa birthday... BEBOT NA NAKATAKDANG MAGKA-BOYFRIEND SA KATAUHAN NG LALAKING CANCER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 14, 2018
  • 2 min read

Dear Maestro,

Naisipan kong ku­monsulta sa inyo dahil nag­tataka ako sa aking sarili kung bakit parang malas ako sa pag-ibig?

Tatlong beses na akong nagtiwala at umibig, pero tatlong beses na rin akong nabibigo. Sa ngayon ay kahihiwalay lang namin ng boyfriend ko.

Nabasa ko sa cell­phone niya na may iba pa pala siyang girlfriend bu­kod sa akin.

Kaya nang ma­tuklasan ko na niloloko lang niya ako, nakipag-break ako sa kanya.

Itatanong ko lang kung magkakabalikan at com­patible ba kami para sa isa’t isa?

Kung hindi siya ang ini­laan sa akin ng kapala­ran, may darating pa ka­yang lalaki sa buhay ko at kung makapag-a­asawa pa ako, kailan na­man ito?

March 16, 1994 ang birthday ko habang Octo­ber 12, 1992 ang birth­day ng ex ko.

Umaasa,

Ms. Pisces ng Talaba, Bacoor, Cavite

Dear Ms. Pisces,

Tunay ngang hindi mo ka-compatible ang iyong ex-boyfriend dahil hindi ta­laga tugma ang zodiac sign mong Pisces sa zodiac sign niyang Libra.

Nangyaring hindi kayo tugma dahil ang zodiac sign mong Pisces ay pinaghaha­rian ng elementong tubig ha­bang air o hangin naman ang elementong taglay ng taong Libra.

Ibig sabihin, kapag nag­sama ang hangin at tubig, walang magandang mang­ya­yari dahil tulad ng naipa­liwanag na, hindi naman ta­laga sila compatible sa isa’t isa.

Gayundin, ang kinala­ba­sang pagsusuri sa Numero­logy kung saan ang birth date mong 16 o 7 (1+6=7) ay sadyang hindi suweto sa birth date na 12 o 3 (1+2=3) ng ex-boyfriend mo dahil ang tunay na katugma ng birth date mong 16 o 7 ay silang mga isinilang sa mga petsang 1, 2, 4, 8, 10, 11, 13, 17, 19, 20, 22, 26, 28, 29 at 31.

Samantala, kung susuri­ing mabuti, hindi ka naman talaga malas sa pag-ibig, sa halip, posibleng hindi mo pa lang natatagpuan ang lala­king sadyang inilaan sa iyo ng kapalaran.

Kaya upang suwertehin ka na at maging maligaya sa susunod na pakikipagre­las­yon, humanap ka ng lala­king isinilang sa zodiac signs na Scorpio, Cancer, Virgo o kaya ay kapwa mo Pisces na may mga birth date na 2, 11, 20, 29, 1, 10, 19, 28, 7, 16, 25, 4, 13, 22 at 31. Sa piling ng nasabing lalaki, tiyak na ang magaganap, makasu­sumpong ka ng per­manente at panghabam­buhay na pag-ibig.

Ayon sa Love Ca­lendar, nakatakdang mang­yari ang nasabing pagtaya sa susu­nod na taong 2019, sa bu­wan ng Abril hanggang Mayo, sa edad mong 25 pa­taas, hatid ng lalaking may kayumangging kulay ang balat na isinilang sa zodiac sign na Cancer.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page