top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

3 POINTS NI IRVING, DUMALE SA WIZARDS BARNES UMINIT, INIHAW ANG HAWKS

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 14, 2018
2 min read

KUMANA si Kyrie Irving ng tiebreaking, 31-foot na 3 points sa nalalabing 17 segundo sa overtime game nang talunin ng bisitang Boston Celtics ang Washington Wizards, 130-125 sa NBA game kahapon.

Nagmintis sina Bradley Beal at John Wall sa tres puntos na tangka sana upang ipatas ang score bago nagawang ipanalo ni Irving ang Boston sa bisa ng dalawang free throws. Ang 3- puntos ni Irving sa natitirang 38.6 segundo para sa Celtics ang nagpalamang pa ng 2 points, pero ang jumper ni Wall sa 30.7 segundong papakulapso ang nagpapatas.

Umiskor si Irving ng 38 puntos, dumagdag si Marcus Morris ng 27 para sa Boston na nagwagi ng 7th straight.

Samantala, pinalawig pa ni Harrison Barnes sa kanyang iskor na 25 points ang winning streak ng Dallas Mavericks sa tatlong laro sa bisa ng 114-107 victory kontra sa bisitang Atlanta Hawks.

Ang panalo ang pumutol sa 10-game losing streak ng Mavericks sa Hawks na nagsimula ang paghahabol noong Okt. 30, 2013 at may 5-1 na ngayong Disyem­bre.

May pinsala pa noon si Barnes dahil sa hamstring injury nang magharap ang teams noong Oktubre. May 6-1 kartada na ngayon ang Mavs nang umiskor si Barnes ng 20 puntos. Mayroon ding naitarak na 24 points para sa Mavericks si rookie Luka Doncic at nagdagdag ng 10 rebounds at 6 assists. Ito ang ika-13 ulit niyang nakaiskor ng 20 o higit pa. Dumagdag naman si J.J. Barea ng 18 puntos kabilang na ang tatlong tres. Nakatulong si Doarian Finney-Smith ng 11 puntos at 6 rebounds habang si De Andre Jordan ay may 11 puntos at 11 boards.

Sa iba pang laro, nagtarak si Thaddeus Young ng 25 points at may 23 points si Myles Turner nang pangunahan ang panalo sa Indiana Pacers , 113-97 kontra sa dumayong Milwaukee Bucks sa Indianapolis.

Naglagak si Young ng 11 rebounds, 4 assists at 5 steals nang kunin ng Indiana ang 5th straight game para makabawi sa 118-101 loss sa Milwaukee sa first game sa bagong arena noong Oktubre.

Nakatulong si Victor Oladipo sa Pacers lineup makaraan ang hindi paglalaro sa 10 game dahil sa pamamaga ng kanang tuhod. Umiskor si Oladipo ng 12 points at 10 rebounds at 6 assists. (MC/ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page