Tulak huli sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Dec 13, 2018
1 min read
QUEZON — Isang drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Poblacion 3, Tiaong.
Kinilala ang suspek na si Victor Abo, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Abo na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.





Comments