PACMAN, PLANONG ARALAN AT AKAYIN SA BIBLIYA SI BRONER

NANINIWALA si World Boxing Association (WBA) “regular” welterweight champion Manny Pacquiao na ang kanyang upcoming fight kay Adrien Broner ay isang perpektong oportunidad upang makausap nang masinsinan ang karibal at aralan hinggil sa mga salita ng Diyos.
Dedepensahan ni Pacquiao ang titulo kay Broner sa Enero 19 sa MGM Grand sa Las Vegas bilang main event ng Showtime Pay-Per-View card.
Si Broner ay isa sa pinakakontrobersiyal na pigura sa sport dahil na rin sa rami ng naging kaso nito, naaresto, nakulong at iba’t ibang paglabag sa batas, ayon sa lumabas na ulat ng Boxingscene.
Si Pacquiao ay naging Evangelical Christian noong 2012 dahil sa hikayat ng kanyang ina na si Dionecia Dapidran-Pacquiao. Naniniwala siya na si Broner ay magkakaroon ng tuwid na landas sakaling maging born-again Christian. Sa paghahanda niya sa laban, seryoso na ito sa kanyang training camp. Mage-edad 40 na si 8th division champion Pacman at umiispar na kay George Kambosos.





Comments