Habang nagmimisa | SIMBAHAN NIRATRAT, 5 DEDBOL
LIMA katao ang nasawi sa pamamaril at apat ang sugatan sa isang Simbahan sa Sao Paulo, Brazil.
Nagsasagawa ng misa sa Metropolitan Cathedral sa Campinas City nang maganap ang insidente.
Batay sa ulat, bigla umanong tumayo ang suspek saka nagpaputok sa loob ng Simbahan gamit ang revolver at pistol.
Binaril din ng suspek ang kanyang sarili matapos pagbabarilin ang mga tao sa loob.
Agad itinakbo sa pagamutan ang mga nasugatan habang inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril.





Comments