top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Friends na lang daw… BARBIE, KINANTANG AYAW NANG IPILIT ANG SARILI KAY JM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 13, 2018
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MATAPOS ang matagal na pananahimik, nagsalita na ang young actress na si Barbie Imperial tungkol sa isyu na kinasangkutan nila ng kanyang ka-love team na si JM de Guzman.

“May mga nangyari lang talaga. Pero siguro, hindi talaga kami meant. Napag-usapan naman na ‘yung nangyari. Napag-usapan na okay lang. Sa ‘kin naman, okay lang kung ano talaga,” pahayag ng aktres.

Dagdag pa niya, “Parang ako kasi, hindi ako ‘yung ‘Hindi. Ipilit ko,’ parang ganu’n. ‘Ipilit natin,’ ganu’n, ‘baka puwede pa.’ So, nag-usap kami after nu’ng lahat ng nangyari. Sabi ko, ‘Hindi, wala, tapos na ‘yun. Okay na ‘yun.’’”

Inamin ni Barbie na sinubukan pa nilang ayusin ng aktor ang kanilang problema, pero hindi na talaga ito nag-work. Gayunman, naging masaya naman daw sila sa huli nilang pag-uusap at nagka-sundo na magkaibigan sila.

Ani Barbie, “‘Yung last usap namin, sabi naman namin na happy kami. Okay kami. Okay na friends.”

Sa ngayon, ayaw na munang mag-announce ng aktres ng susunod na proyektong kanyang gagawin dahil baka maudlot daw ito.

Aniya, “‘Yung serye. Ayoko naman kasi magsabi na sabihin ko na next year na gagawa ako ng serye kasi maraming nauudlot, eh. So, nakakahiya naman. So ’pag nandu’ n na, du’n na lang.”

Plano rin daw dapat ng co-star niya sa seryeng Araw Gabi na si Ara Mina na mag-produce ng pelikula nilang dalawa ni JM, pero mukhang hindi na matutuloy dahil sa hindi nila pagkaka­unawaan.

Pahayag ng aktres, “Si Ate Ara kasi. Si Ate Ara Mina, parang binalak nila ni Kuya Patrick Meneses na mag-produce ng movie para sa ‘min ni JM. Eh, kaso, may nangyaring something. So, sabi namin, gawin natin ‘yan next year. Mag-ayos muna kami. Magbati muna kami. Siguro, next year. Si Ate Ara, guys, kulitin n’yo si Ate Ara.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page