58 news sites isinara sa bangladesh
UMABOT sa 58 news sites ang pansamantalang isinara ng Bangladesh Telecommunication Regulatory Commission (BTRC) sa loob ng 12 oras.
Nilinaw ng BTRC na seguridad ang dahilan ng pagsara ng news sites.
Batay sa impormasyon, hindi rehistrado sa information ministry ang naturang news sites kaya kailangan pang tingnan ang mga nilalaman nito.
Nakatanggap ng kritisismo ang pamahalaan ni Prime Minister Sheikh Hasina matapos magpasa ng mga batas na umano’y pagtanggal sa press freedom ng mga mamamahayag sa bansa.





Comments