18th Kids Can Bazaar mula sa bata, para sa bata!

Photo by: Miro Posadas
HELLO, Bulgarians! Kamakailan lang ay naganap ang 18th Kids Can! Bazaar The one-of-a-kind bazzar for kids, by kids ng Multiple Intelligence International School (MIIS) sa Estancia Mall, Capitol Commons, Pasig City.
Ito ay isa sa mga activity ng MIIS para maipakita ang galing, talent at creativity ng mga estudyante nito mula Grades 1 hanggang 12. Itinuturo rin dito ang pagiging entrepreneur habang bata pa lang.

Noong isang taon, ipinamalas ang Anirah, isang sustainable laptop attached bag, upcycled from flour bags na may design ng paintings mula sa local artists. Hindi lang ‘yan dahil ang Anirah ay nanalo sa Junior Achievement Company of the Year 2018 na tinalo ang ilang competitors sa buong Pilipinas.
Ang lahat ng napagbentahan ng mga estudyante ay mapupunta sa Kids Can Project, The Green School Movement Projects at MIIS Scholarships Fund.

At ngayong taon, hindi lang ang Anirah ang ipinamalas ng mga estudyante kundi marami pang iba na siguradong maipagmamalaki.
Patuloy lang ang ganitong programa ng MIIS para makatulong sa mga estudyante ng mga strategy at technique sa pagsisimula ng negosyo sa murang edad pa lamang at pagkilala sa kanilang natatanging talento.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments