10-anyos ni-rape ng stepdad
Pabs Hernandez III
Dec 13, 2018
1 min read
CAPIZ — Isang sampung taong gulang na batang babae ang ginahasa ng kanyang stepfather kamakalawa sa kanilang bahay sa Bgy. Manayupit, Maayon.
Itinago ang biktima sa pangalang ‘Lucy’ habang ang suspek ay si Oliver Solis.
Ayon sa ulat, nag-iisa lang sa kanilang bahay si Lucy nang gahasain ito ng suspek.
Matapos ang panggagahasa, nagsumbong ang biktima sa kanyang ina na naging dahilan para ireklamo nila sa pulisya si Solis na agad namang nadakip ng mga awtoridad.





Comments