SAN JUAN, PINASUKO ANG BATAAN SA MPBL DATU CUP

PINASADAHAN ng San Juan ang Bataan upang pigilan ang 14-game winning run ng Risers sa MPBL Datu Cup noong Lunes ng gabi sa People’s Center sa Balanga, Bataan.
Ang Knights na suportado ng Go-for-Gold ay tinalo ang Zetapro-backed Risers, 67-61, upang bigyan ang host team ng unang talo sa sariling balwarte at isolido ang pagtuntong sa second spot. Ang panalo ng San Juan ang nagpaibayo sa win-loss record na 15-3 na dumikit na sa standings ng Bataan 14-2 win-loss card.
Nakagawa si Ex-PBA player Larry Rodriguez ng double-double performance na 19 points at 13 rebounds, bigyan ang Knights ng ika-5 panalo sa sumisikat na regional amateur basketball league na itinatag ni Senator Manny Pacquiao kung saan si PBA legend at dating MVP Kenneth Duremdes ang commissioner. Ang solidong laro ni Rodriguez ang nagbigay sa Knights ng matikas na laban. Nakaungos agad ang San Juan sa katunggali, 56-43.





Comments