Rider dedbol sa AUV
BATANGAS CITY—Isang rider ang namatay at sugatan naman ang angkas nito nang aksidenteng mabangga ng AUV ang sinasakyan nilang motorsiklo, kamakalawa sa national highway ng lungsod na ito.
Nakilala ang nasawi na si Jhone Landicho, samantalang, ang sugatan ay si Mike Atienza, kapwa nakatira sa lalawigan ng Batangas.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng AUV na minamaneho ni Arturo Vilela kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima.
Dinala pa ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Landicho.





Comments