Iwas-away… DIREK PAUL, INAYAWANG IDIREK SI TONI SA MOVIE


ONCE a year lang kung mag-produce ng mainstream movie si Direk Paul Soriano at ang movie outfit niyang Ten17P. Last year ay humakot ng awards ang MMFF film na Siargao na pinagbibidahan ni Jericho Rosales. Okay na kay Direk Soriano ang once a year na paggawa ng malaking pelikula.
In between, ang paggawa ng commercial at indie movies ang kanyang pinagkakaabalahan. Ang pelikulang Mary, Marry Me na kasama sa 2018 Metro Manila Film Festival ay istorya at concept ng wifey niyang si Toni Gonzaga. Bale tumatayo ring producer si Toni at nasa ilalim ito ng TinCan Productions na sister company ng Ten17P.
Pagbibidahan nina Toni at Alex Gonzaga ang Mary, Marry Me kasama si Sam Milby na ex-BF ni Toni.
Ibinigay ni Direk Paul Soriano kay RC delos Reyes ang pagdidirek ng first movie ng TinCan Productions ni Toni Gonzaga.
Five years nang nakatrabaho ni Direk Paul si Direk RC at malaki ang tiwala niya sa baguhang direktor.
Natanong namin si Direk Paul kung bakit hindi siya ang nagdirek sa project ng kanyang wifey. Simple lang ang sagot nito, para raw maiwasan ang away sa set ng movie.





Comments