Fans, todo-wish na pang-forever na… ANGELICA, 'DAD' ANG TAWAG KAY CARLO
- BULGAR

- Dec 12, 2018
- 1 min read

SO, confirmed na nagkabalikan na talaga sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.
Sa isang video kasi na nai-post sa Instagram ng fan ng CarGel love team, dinig na dinig na “Dad” ang tawag ni Angel kay Carlo habang kausap ni Direk Ruel Bayani ang aktor.
Kilig to the max naman ang mga fans nina Angel at Carlo dahil nagtagumpay silang mauwing muli sa balikan ang relasyon ng dalawa.
Well, sana nga ay forever na anuman ang meron ngayon kina Angelica at Carlo.





Comments