top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

After dumugin ng fans… TONY, NAGSALITA NA SA PANANAPAK SA KANYA NG SEKYU SA MALL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 12, 2018
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NAGSALITA na ang bida ng Glorious na si Tony Labrusca tungkol sa aksidenteng pananapak sa kanya ng isang sekyu sa mall show na ginanap sa Tanauan, Batan­gas.

Nilinaw ni Tony na hindi na­man siya nasaktan sa pang­ya­yari, kaya wala raw dapat ikaba­hala ang kanyang mga fans.

“Hey guys, I noticed a lot of you are worried about me getting punched in the face in my last mall show. I’m totally okay :) I know the guard didn’t mean it. Thanks to everyone for being so thoughtful!” pahayag ng aktor.

Naging viral kasi ang video sa social media kung saan makikitang halos ma­tumba na ang aktor sa lakas ng sapak na natamo sa isang security guard.

Kapansin-pansin na dinumog ng mga fans ang mall show ng aktor kaya nahi­rapan ang mga sekyu na protektahan si Tony sa mga ‘wild’ niyang tagahanga. Makikita sa video na umiwas ang guard sa pagkakakapit ng isang fan sa kanyang braso at aksidenteng nasapak ang aktor.

Ang video ay ipinost ng Facebook user na may account name na Patricia Ramilo at nilagyan pa niya ng caption na, “Ka­wawa naman si Tony. He went down during his visit in Victory Mall, Tanauan, Batangas. Hope he’s fine after all,” na mas ikinabahala ng mga fans ng aktor.

Ngayon, okay na okay na ang aktor.

Kaya sa susunod, kalmahan lang natin, girls!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page