SEPFOURTEEN, KAMPEON SA PRESIDENTIAL GOLD CUP

ITINANGHAL na kampeon sa katatapos na ‘2018 Presidential Gold Cup’ang mananakbong Sepfourteen na sumungkit ng unang premyo na nagkakahalaga ng P5 milyon nito Linggo ng hapon sa San Lazaro Leisure Park,Carmona, Cavite.
Sa tulong ng ka-couple entry na Radio Active, hindi naging mahirap para kay Sepfounteen at kunin ang unahan at walang kahirap-hirap na tinapos ang laban.
Pumangalawa ang Pangalusian Island, nakuha naman ang 3rd placer ng Electric Truth at 4th placer naman ang llamadong Salt and Pepper.
Sa simula palang ng laban naging mahigpit na binantayan ng unang puwesto ng couple entry na entry ng SC Stockfarm Inc. ang Radio active at Sepfourteen habang na kabuntot ang Salt and Pepper na kalahok ni Hermie Esguerra.
Sa umpisa ng karera lubhang napupuntong manalo ang Sepfourteen sa pamamagitan ng banderang tapos.
Napakawala ang Pangalusian Island na entry ni W.T. Tan sa patnubay ni Jocky John Paul Guce sa huling 100 meters at nakabuntot ang Electric Truth ni Sandy Javier Jr., sa 3rd placer.
Nakubra ng Sepfourteen ang unang premyo na aabot sa P5-milyon mula sa PCSO at Philracom.
X X X X X X
Muling matutunghayan ang kabayong WooLooMoo Loo sa pitong karera na magaganap ngayon sa Metro Turf Club, Malvar, Batangas.
Sa Race 1, pinapaboran ang Boy Paradise na posibleng makalaban ang Artistic Star, Victory Dance, Light and Shade at Significant Play.
Sa race 2, tatlong mananakbo ang maglalaban na pangungunahan ni Zophany Dane, Absoluteresistance at Marino ng Tanglaw.
Paglalabanan din ng Chocolate Thunder, Joyous Sulution at Boss Emong sa Race 3, habang ipinapatok ang Princess Eowyn sa race at Single Flower.
Hahataw ang Princess Tin, Magnitude Eight, Batang Rosario, Bungange, at Ranagant sa Race 6. Tip ni Mang Ding: Race 1- Boy Paradise(3) Significant Play (12) Race 2- Zophany Dane (3),Marino ng Tanglaw (2) Race 3- Joyous Solution(4) Chocolate Thunder (3) Boss Emong(5) Race 4- Princess Eowyn(7) Race 5- Single Flower(2) Race 6- Princess Tin(7), Miss Rosario (1) Race 7- WooLooMoo Loo (2) WTA(1-7) 2-9-12/3-2-1/4-3-5/7/2/7-1/2; PICK 6(2-6) 3-2-1/4-3-5/7/2/7-1/2; PICK 5 (3-7) 4-3-5/7/2/7-1/2; PICK 4 (4-7) 7/2/7-1/2





Comments