P9 bilyong pondo para sa mga doktor, nurse at iba pang health workers
- BULGAR

- Dec 11, 2018
- 1 min read
GOOD news sa mga doktor, nurse at iba pang health workers!
Maglalaan ng P9 bilyon ang pamahalaan para sa pagde-deploy ng mahigit 13,000 health workers sa buong bansa. Kabilang sa mga kakailanganin ay 9,138 nurses; 3,650 komadrona; 243 doktor at 241 dentista na ipadadala ng Department of Health (DOH) sa mga liblib na lugar.
Magsisimula ang nasabing deployment sa pagbubukas ng 2019.
Samantala, upang makakuha ng sapat na medical professionals, kukuha ang DOH mula sa mga programa ng pamahalaan tulad ng Doctors to the Barrios (DTTB), Medical Pool Placement and Utilization Program (MP-PUP), Registered Nurses for Health Enhancement and Local Service (RN HEALS), Rural Health Midwives Program (RHMP) at Rural Health Team Placement Program (RHTPP).
Umaasa tayo na sa pamamagitan nito ay mas mahihikayat ang ating mga health worker na manatili na lang sa bansa at maglingkod sa ating mga kababayan.
Hindi ba’t, pamilyar tayo sa mga linya ng mga bagets na, “paglaki ko gusto kong maging doktor para gamutin ang mga may sakit na walang pera”. Ang sarap pakinggan pero, hindi natin maitatanggi na ang iba sa mga batang ito na minsang nangarap at natupad ang ambisyon ay mas pinipiling mag-abroad dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Maaaring isa sa pangunahing rason ay suweldo kaya tama na gumawa ng paraan ang gobyerno na magkaroon sila ng mas mabigat na dahilan para manatili at maglingkod sa bayan.





Comments