Opisyal ng NPA sumurender
- Pabs Hernandez III
- Dec 11, 2018
- 1 min read
NUEVA ECIJA—Isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad, kamakalawa sa Cabanatuan City sa lalawigang ito.
Ang sumuko ay si Allan Halop, squad leader ng NPA-Segunda Command na nakabase sa Nueva Ecija at Aurora.
Kasama sa isinuko ni Halop ang kanyang baril at mga subersibong dokumento.
Sinabi ni Halop na kaya umano siya nagbalik-loob sa pamahalaan ay upang makapagbagong-buhay at makapiling ang kanyang pamilya.





Comments