Mister, kahit daks pa… ANNE, IBINULGAR NA NABITIN KAY ERWAN


‘KAALIW ang pagiging game at open ni Anne Curtis sa mga hot and controversial questions na ibinato sa kanya ng kaibigang si Vice Ganda sa Kuryen-Tanong portion ng Gandang Gabi Vice last Sunday.
Medyo personal na kung tutuusin ang mga tanong kay Anne lalo’t tungkol ito sa sex life nila ni Erwan Heussaff, pero game na game nga at tawa lang nang tawa ang bungisngis na si Anne.
Unang tanong ni Vice kay Anne, “Yes or no, nakapaglagay ka na ba ng kissmark?”
“Hindi po,” ang naging sagot ni Anne, pero nakuryente ito sa lie detector machine kaya tawang-tawa sila ni Vice.
Kinantiyawan pa ni Vice si Anne na ang laki raw siguro ng kissmark na inilagay nito.
Nu’ng tinanong ni Vice kung kelan nangyari ‘yun, sagot ni Anne na tawa lang nang tawa, “Nu’ng kabata-kabataan pa,” pero tumanggi na itong sabihin kung saang parte ng katawan.
Nakabawi naman si Anne at hindi nakuryente nang sabihin niyang hindi every night ang sex life nila ni Erwan dahil after daw ng honeymoon nila sa Africa ay hindi pa ito nasundan.
Sa tanong naman ni Vice na “Nabitin ka na ba ni Erwan?” diretsong sumagot si Anne ng “Yes!” at lumabas namang nagsasabi siya nang totoo.
Kantiyaw uli ni Vice, “So, nabitin ka na nga ni Erwan?” at paliwanag naman ni Anne, maraming ibig sabihin ng nabitin at binitin daw siya sa pagkain ng mister.
Last question ni Vice kay Anne, “Daks ba si Erwan?”
Ang lakas ng sigaw ni Anne ng “Oh, my Gooooood!” bago sumagot ng “No.” Pero ang ending, nakuryente ang aktres!
So, alam na! Hahahaha!





Comments