top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kahit nabuntis na, oks lang… SIGAW NI EMPRESS: 'DI KO PANGARAP MAIKASAL!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 11, 2018
2 min read

NAKATSIKAHAN namin ang isa sa mga bida ng Kahit Ayaw Mo Na na si Empress Schuck after ng premiere night ng movie nila sa SM Megamall. Na-inspire ulit si Empress to do films dahil sa ganda ng outcome ng movie nila nina Andrea Brillantes at Kristel Fulgar.

Istorya ito ng tatlong babae na pi­nagtagpu-tagpo sa lalawigan ng Samar. Towards the end of the movie, mari-reveal ang sikretong matagal nang itinago na mag-uugnay sa kanilang tatlo.

Kabilang sa mga highlights ng movie ang scenery ng Samar. Nag-stay pala sina Empress sa Samar for one week dahil the entire film ay doon kinunan.

Maganda rin ang soundtrack ng movie na may pareho ring title mula sa This Band. Gusto namin ‘yung Bakit Ba Ganyan? version ni Kristel na ginamit sa movie.

This Christmas, mag-i-stay lang daw sila sa bahay ng partner niyang si Vinno Guingona at ng anak nila na si Athalia.

“But sa New Year’s Eve, sa Singapore kami. Wala lang, family ano lang, something new. Kasama namin ang family niya, sa daddy niya.”

Hindi pa kasal si Empress kay Vinno, so we asked her kung nag-propose na ang partner niya.

“Ay, hindi pa po. Huwag mu­na,” tila nagulat niyang sagot.

What if mag-propose sa kanya this Christmas?

“Secret! Baka naman ‘pag nabasa niya ‘to, biglang mag-propose siya. Ha­haha!”

Dream naman ng mga babae ang ikasal. Pero mukhang ‘di kasama sa kanila si Empress?

“Ay, hindi ko po dream ‘yun. No,” umiiling pa niyang sagot.

So, ano ang dream niya?

“Happy family lang. Basta tanggap ka lang ng partner mo, ganu’n.”

Then, we asked her again kung ano ang kanyang Christmas wish.

“More blessings lang, happiness, good health, ganyan. Material, wala naman.”

‘Yun na!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page