HD VS. BLAZE SPIKERS, READY NA SA SUPERLIGA SEMIFINALS


BUMAGAL pa ang Cignal sa laro bago tuluyang ginapi ang Foton Tornadoes, 26-28, 25-19, 25-19, 25-18 at makapagsukbit ng semifinals ticket sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Filoil Flying V Centre.
Sa bisa ng troika nina Rachel Anne Daquis, Mylene Paat at Royse Tubino, pinabagsak ng HD Spikers ang 4th seeded Tornadoes sa kanilang duwelo sa quarterfinal sa prestihiyosong club tourney.
Samantala, sumampa na ang UP para sa unang finals berth nang dominahin ang DLSU-Dasmariñas, 25-21, 25-12, 25-22 sa Collegiate Grand Slam.
Nagpakitang-gilas si Caryl Sandoval sa bisa ng 11 points habang si Jessma Ramos at rookie Nicole Magsarile ay may tig-8 puntos para sa Lady Maroons, na tinapos ang preliminaries sa pamamagitan ng 4-1 win-loss card.
Matikas ang laro nina Marist Layug, Lorie Bernardo at Justine Dorog na may tig-6 puntos.
Magbabalik-aksiyon si Carlos sa winner-take-all finals duel na maaaring kontra unbeaten University of Santo Tomas, na kailangang magwagi ng isa sa huli nilang dalawang elimination games.
“I think we have a date with UST on the 12th,” dagdag ni Okumu.
Si Basilyn Delfin ang nag-iisang pamato ng Lady Patriots sa 13 points nang lumagpak ang De La Salle-Dasmariñas sao 0-3 at makasasagupa ang UST sa Huwebes sa Muntinlupa Sports Center.
Malaking bagay din ang laro ni Tubino sa 13 markers para sa HD Spikers, na sasabak na sa semis kontra undefeated Petron Blaze Spikers ngayong Martes sa Muntinlupa Sports Center.
Nakagawa ng 16 puntos si Mina Aganon, kabilang na ang 17 digs at 10 excellent receptions, habang sina CJ Rosario at nagbabalik na si Shaya Adorador matapos ang walang laro sa ilang games dahil sa impeksiyon sa gilagid ay may 12 at 11 puntos para sa Foton na tinapos ang preliminaries sa 6-4 win-loss card sa kabila ng wala sila star players Jaja Santiago at Dindin Manabat. (VA/MC)





Comments