Bigyan ng jacket! WILLIE, 3 BRAND NEW CARS ANG IPINAMIGAY KAY SUGAR AT MGA STAFF
- BULGAR

- Dec 11, 2018
- 1 min read

HINDI lang pala ang co-host niyang si Sugar Mercado ang niregaluhan ni Willie Revillame ng brand new car bilang maagang pamasko. Dalawa sa masisipag niyang staff ang binigyan din niya ng kotse, sina Check (executive producer ng Wowowin) at Wheyee Lozada, na nagpapasok ng mga commercials sa show.
Pearl white ang Toyota Vios na pinili ni Sugar Mercado, si Wheyee ay midnight blue at emerald green naman ang napunta kay Check.
Samantala, hindi pala sa Palawan kundi sa Puerto Galera nakabili ng resort si Willie worth P10 million.
Ito ang Mangrove Cove na matatagpuan sa Callao, Puerto Galera. Si Lito Camo na BFF ni Revillame na taga-Mindoro ang naghanap ng resort na binili ng Wowowin host.
Maputi ang buhangin at may mga cottages na sa nasabing resort at dinarayo na ng mga turista. Nakakalapag din kahit dalawang choppers sa area ng island resort.
For sure, mapapadalas ang dalaw ni Willie sa kanyang beach resort sa Puerto Galera!





Comments