LUCKY 13TH WIN NG DAVAO TIGERS SA MPBL DATU CUP


KAAKIBAT ng suwerte ang pagposte ng ika-13 panalo ng Davao Cocolife Tigers matapos daigin ang palabang Pasig Pirates, 88-82 sa eliminasyon ng Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup kamakailan sa Marist School Gym ,Marikina City. Ang mga pirata ng Pasig City na galing sa tatlong sunod na talo ay nagpasiklab sa loob ng tatlong yugto sa mahusay na orkestrasyon at outside shooting ni Boyer Bautista, perimeter points ni ex-pro Gerwin Gaco at intimidasyon sa paint ni Mark Andaya upang manatiling naghahabol ang Tigers ni team owner Claudine Bautista ng Davao Occidental LGU sa ayuda nina Cocolife president Elmo Nobleza, FVP Joseph Ronquillo at AVP Rowena Asnan.
Kinambalan naman ng suwerte ang pinal na yugto para sa Davao Cocolife sa pagputok ng kanilang outside sniping sa pangunguna ni veteran ex-PBA Leo Najorda na nagpasabog ng 5 tres kaagapay sina homegrown players Joseph Terso at Louie Medalla upang patahimikin ang Pasig Pirates para manatili sa ituktok ng team standings (13-3) ang Tigers sa South Division ng liga.
“It’s a hard earned victory. Thankful ako ‘di basta bumigay ang ating Tigers at sinuwerte ang mga asintado natin sa endgame,” wika ni manager Ray Also. (MC)





Comments