top of page
Pokwang.jpg

Kung si Vic, may kasama na sa pagtanda… WILLIE, SUPER-YAMAN NA, WALA PA RING DYOWA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 10, 2018
1 min read

NADADALAS ngayon ang bakasyon ni Willie Revillame sa sinasabing bagong island resort na kanyang nabili sa Palawan. Mukhang nai-enjoy ni Willie ang magandang view at ambiance ng place na tamang pambalanse sa stressful hosting job niya sa kanyang Wowowin game show.

Pero ang curious na tanong ng mga fans ng TV host, kelan naman daw kaya lalagay sa tahimik at mag-aasawa si Kuya Wil? Bakit daw hindi na lang nito gayahin si Bossing Vic Sotto na nakahanap ng isang Pauleen Luna na pinakasalan at ngayon ay kasama na sa kanyang pagtanda?

Aanhin naman daw ni Willie ang kaliwa't kanang naipundar kung wala namang nagpapasaya sa kanyang puso?

Naku, si Willie pa ba ang mawawalan? For sure ay meron 'yan, masikreto lang ang TV host.

Anyway, palaki nang palaki ang prizes sa different games sa Wowowin. Ito ang paraan ng pagtanaw ni Kuya Wil ng utang na loob sa kanyang mga fans. Ito rin ang Christmas gifts mula sa programa.

Sa magkasunod na Child TV at INDI-TV Awards ay nakatanggap ng awards ang programa. Sa mga Urban at Multi-Media Survey naman ay consistent ito sa Top 20 roster ng mga boob tube shows sa Pilipinas.

Mabuhay ka, Kuya Wil. Merry Christmas!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page