Kahit anong kumplikasyon pa ‘yan, lodi! KAMIAS, GOOD SA HEALTH!
- BULGAR

- Dec 10, 2018
- 1 min read

KERI mo bang magmukasim, makakain lang ng kamias? Good ‘yan dahil ayon sa mga dalubhasa, bukod sa taglay nitong sustansiya, ang kamias umano ay maraming naibibigay na benepisyo sa ating kalusugan. Talaga ba? Wow!
Sa totoo lang, pangalan pa lang ay mangangasim ka na, pero marami pa rin sa atin ang gustong pumitas at kumain nito.
Subalit, alam ba natin kung ano ang makukuha natin mula sa pagkain ng napakaasim na bungang ito?
Ayon sa mga eksperto, ang pagkain ng kamias ay nakatatanggal umano ng sakit ng mga ngipin at dahil dito, hindi na natin kakailanganin pang bumili at uminom ng gamot para lang malagpasan ang iniinda nating sakit.
Gayunman, upang masolusyunan ang pagkahilig ng karamihan sa matatamis na pagkain na kadalasang hindi na natin nakokontrol, ang kamias ay isa sa mga pagkaing mainam sa mga taong mayroong diabetes.
Gayundin, kung nararamdaman natin na tayo ay rarayumahin o sasakit ang ating mga kasu-kasuan, epektibo rin ang pagkain ng kamias para maagapan natin ito.
Ang mga benepisyong nabanggit ay nakukuha dahil sa taglay na nutrisyon ng kamias tulad ng Vitamins B at C, iron, phosphorus at antioxidants.
Pero, ang paalala ng mga eksperto, huwag kumain ng kamias kung hindi pa nakakakain ng kanin dahil baka sumakit ang inyong tiyan, lalo na sa mga maselan diyan.
Oh, ayan, kaunting tiis lang sa asim, mga lodi, dahil paniguradong mawiwili kayo rito kapag guminhawa na ang inyong pakiramdam. Hi-hi-hi!
Gets mo?





Comments