Ka-level ni Pia Wurtzbach… VHONG, DEREK, JULIA, KEN AT JAMES, MAY SARILING STAR NA SA WALK OF FAME

NGAYONG Lunes na ang Walk of Fame kung saan isa si Ken Chan sa mga awardees. Isang heartwarming post bilang pasasalamat at pag-alala kay German Moreno ang ipinost ni Ken.
“Dati-rati sa tuwing may bibigyan si Kuya Germs ng Star sa Walk of Fame, nandoon ako para mag-perform sa mga nabigyan ng award pati na din sa mga taong nanonood. Ngayon isa na ako sa mabibigyan ng Star sa Walk of Fame! Napakagandang Christmas gift sa akin nito Tatay. Kaya magkita-kita tayo sa Eastwood City on December 10. Excited na ako!”
Kabilang sa mga makakasama ni Ken sa bagong list ng Star sa Walk of Fame sina Dr. Jose Perez, Marichu Vera Perez-Maceda, Pia Wurtzbach, Rico Hizon, Derek Ramsay, Vhong Navarro, James Reid, Julia Barretto at Director Chito Roño.
Samantala, paborito ng marami na panoorin ang My Special Tatay at nakakatuwa na pinag-aawayan ng mga fans kung kanino mas bagay si Boyet (Ken) kina Carol (Arra San Agustin) at Aubrey (Rita Daniela).





Comments