top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Di raw nagpatalo sa kanya… COCO, SHOCKED NA KUMAKAIN NG HILAW NA PALAKA SI MAINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 10, 2018
  • 1 min read

NA-TEST ni Coco Martin ang pagka-professional ni Maine Mendoza nang kumain ito ng fresh palaka sa isang eksena sa Jack Em Popoy: The PulisCredibles na official entry sa 44th Metro Manila Film Festival.

Kuwento ni Coco, “May time, kumakain kami sa eksena, eh, totoong palaka talaga ‘yung kinakain namin. Eh, hindi po pala siya kumakain nu’n. Ako, kumakain ako ng palaka, eh.

“Ang problema, nu'ng kinakain niya, nagte-take na kami. Siguro, dahil mabilisan, ilang beses po naming inuulit-ulit ‘yung eksena, hindi po gaanong luto. Talagang ramdam mo na sariwa pa ‘yung kinakain naming palaka.”

Kaya bumilib daw talaga siya kay Maine sa pagka-game nito.

“Kaya siguro siya minamahal ng mga tao, ng mga sumusubaybay sa kanya dahil napaka-professional niya’t napakabait at napakasimple niyang tao. Sana, hindi ito ‘yung huli na pagsasama namin,” sey ni Coco.

Pati sa mga intimate scenes daw nila ay hindi niya kinakitaan ng pagkailang si Maine considering na first time nilang magkasama.

“Kasi, may mga intimate scenes kami, eh. Sa mga eksena, lalo na sa mga action scenes, siyempre minsan, nagkakadikit ‘yung mga katawan namin.

“Ako, pakikiramdaman mo ‘yung babae, baka mamaya, alam mo ‘yun, ma-intimidate or whatever. Pero si Maine, wala. Mahuhulog ‘yung loob mo sa kanya kasi parang alam mong partner, alam mong pareho kayo ng goal na 'Ayusin natin ‘to. Pagandahin natin ‘to,'” kuwento ni Coco.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page