top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

‘Ika nga, lahat naman tayo ay nagkakamali... MGA PARAAN UPANG MATANGGAP NA WALANG PERPEKTO SA MUNDO

  • No Problem
  • Dec 10, 2018
  • 2 min read

AYON sa kasabihan, “nobody’s per­fect”, pero marami pa rin sa atin ang mahilig manghusga at pumuna, kaya para matanggap natin na walang per­pekto sa mundo, narito ang ilang tips para sa inyo:

1. EVALUATE YOUR STANDARDS. Ito ang una mong dapat isaalang-alang, besh. Ang lebel ng pa­giging perfectionist natin ay masyado nang mataas kaya minsan ay hindi na natin ito napipigilan. Kaya naman kailangan mong i-set ang iyong stan­dards depende sa alam mong kakayahan mo. Puwede ka rin namang mag-level-up kahit paunti-unti.

2. DON’T FOCUS ON RESULT. Ang pagpo-focus sa posibleng resulta ay hindi magandang makasa­nayan dahil ayon sa mga eksperto, kapag hindi mo nakuha ang inaasahan mong resulta ay posible itong magdulot ng mental health disorder.

Kaya mas mabuting mag-focus tayo sa proseso ng pagtatra­baho. Sa ganitong paraan, mas maa-appreciate natin ang lahat ng effort na ating ibinibigay sa partikular na bagay.

3. CONSIDER OTHER’S OPINION. Madalas itong makalimutan lalo na kung nakaplano na ang lahat ng iyong gustong mangyari. Ngunit, sa pag­konsidera sa opinyon ng iba, maaari mong makita ang mga bagay-bagay mula sa ibang anggulo at da­hil dito, maaari kayong makabuo ng bagong plano na po­sible rin namang makatulong upang makamit ninyo nang matagumpay ang inyong gusto.

4. BE KIND TO YOURSELF. Bawasan mo ang pag-criticize sa iyong sarili. Sa halip, gumawa ka ng positivity journal. Sa pag­gawa nito, isulat mo ang lahat ng naaalala mo sa bawat araw — maganda man ito o hindi. Sa ga­nitong paraan, mapa­pansin mo na hindi mo kailangang maliitin ang iyong sarili sa tuwing hin­di ka nagtatagumpay sa iyong plano sa buhay.

5. ACCEPT. Kung min­san, besh, nakalilimutan nating tanggapin na hindi lahat ng bagay ay mangyayari base sa ating plano. Kung sakaling hindi magtagumpay, gamitin ito bilang inspirasiyon nang sa gayun ay pag-igihan mo pa lalo sa mga susunod pang pagkakataon.

Hindi masamang maging perfectionist, ngunit, huwag mong kalimutan ang tips na ito nang sa gayun ay hindi kayo humantong sa unhealthy perfectio­nism.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page