Nakalimutang mga artista sila… ARJO AT MAINE, TODO-DISPLEY IN PUBLIC, PERO IMBIYERNA 'PAG PINAG


Photo: Instagram @jm_ro
NAGAGALIT ang ilang fans ni Maine Mendoza sa mga reporters na pilit inuurirat si Menggay du’n sa grand presscon ng Jack Em Popoy: The PulisCredibles tungkol sa rumored syota niyang si Arjo Atayde.
Napansin kasi ng mga fans na hindi komportable at naiirita na si Maine sa pagtatanong tungkol sa kanyang love life, lalo na nga ‘yung tungkol sa maingay na pagde-date nila ng anak ni Sylvia Sanchez.
Well, FYI sa mga reading fans, especially sa AlDub Nation, hindi naman tatanungin si Maine ng mga reporters kung walang lumabas na pictures nila ni Arjo na magkasama.
Part na ng showbiz world na mapag-usapan ang private life ng mga celebrities kaya sa mga nagagalit, ‘wag kayong KJ, ‘no!
Kung si Maine nga, aminadong masaya ang puso kahit ayaw pa niyang aminin na syota na niya si Arjo, ‘no!
Buti pa, watch na lang kayo ng Jack Em Popoy: The PulisCredibles at may moral lesson kayong matututunan sa movie na isa sa mga entries sa MMFF 2018.





Comments