Nagka-phobia raw sa loob ng kulungan… HIRIT NI LANI: BONG, TAKOT NA TAKOT NANG HUMAWAK NG CELLPHONE


NAKAUWI na sa bahay nila sa Cavite si former Sen. Bong Revilla, Jr. matapos ma-acquit last Friday sa kasong plunder at lumaya mula sa piitan sa Camp Crame.
Of course, masayang-masaya ang buong pamilya ni Sen. Bong lalung-lalo na nga ang kanyang asawang si Bacoor Mayor Lani Mercado.
Matapos umuwi ay nagpaunlak ng panayam si Mayor Lani sa mga news reporters sa kanilang bahay sa Bacoor last Friday night kung saan ay ipinahayag niya ang labis na pasasalamat nila sa Panginoong Diyos na dumating din ang araw na pinakahihintay nila.
“Talagang ito na ang ipinagdarasal namin. Actually, kung ang mamamayan, nagka-countdown ng Pasko, ito ang countdown ng aming pamilya,” pahayag ni Lani.
“At dumating na nga ang araw na ito, na ito ang matagal na naming pinakahihintay – ang makauwi at ma-acquit si Sen. Bong Revilla,” pahayag ni Mayor Lani sa panayam niya sa media.
Habang pauwi sila ng Cavite ay ipinakikita raw nila kay Sen. Bong ang mga pagbabago sa mga dinaraanan nila sa loob ng apat na taon.
“Nu’ng papunta na kami ng Imus, itinuturo niya ‘yung ‘Ito ang lumang bahay namin, ang laki na ng ipinagbago ng lugar,’ nagpa-flashback siya nu’ng ano ‘yung mga nangyayari noong maliit pa siyang bata habang dumadaan kami sa lugar na dinadaanan namin.
“Plus, ‘yun nga, sinasabi niya kung ano ‘yung gusto niyang gawin ngayon na nakauwi na siya.”
Ang una raw sinabi ni Sen. Bong ay “Totoo ba ito? Nangangarap ba ako?”
Ikinuwento rin ni Lani na nakahawak na rin daw ng cellphone ang mister at parang may phobia pa raw ito.
“Nahawakan na niya finally ang cellphone. Para siyang meron pang phobia. ‘Pag may hawak siyang phone, natatakot siya, baka may magbawal sa kanya.
“So, may ganu’n pang pagtingin. Nasa period of adjustment actually siya,” kuwento ni Lani.
Ngayong nakalaya na nga si Sen. Bong, ani Lani ay best Christmas ever ito para sa kanila. Magse-settle down daw muna sila at ang priority raw ng aktor/pulitiko ngayon ay ang pamilya at ang kalusugan nito.
Namamaga kasi ang kanang kamay ni Sen. Bong nang lumabas sa kulungan kaya gagamutin daw muna ito.





Comments