top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga katsika, apply na sa Pag-IBIG Loyalty Card!

Thea Janica Teh
Dec 9, 2018
2 min read

HELLO, Bulgarians! Ang Pag-IBIG nga naman, hindi lang pagmamahal at benepisyo ang ibinibigay kundi pati ang kanilang loyalty! Sa katatapos lamang na 2nd Pag-IBIG Loyalty Card Partner’s Summit, ibinahagi at ipinakilala ang halos 290 partners, nationwide kung saan tayo makakukuha ng big discount basta may Pag-IBIG Loyalty Card!

Bukod pa rito, nag­bahagi rin si Mr. Eduardo Mapa, Jr., Vice-President Internet and Mobile Marketing Association of the Philippines (IMMAP) tungkol sa kung paano makasasabay sa hene­rasyon ngayon. Itinuro nito ang iba’t ibang techniques sa pagkuha ng customer sa digital world.

Kinilala rin ang ilang Loyalty Card Partners sa kanilang magandang serbisyo at sa malaking discount na kanilang ipi­namamahagi sa mga miyembro ng Pag-IBIG Loyalty Card.

Hindi pa rin ba kayo kasali sa halos 5 milyong miyembro ng Pag-IBIG Loyalty Card? Huwag mag-alala mga katsika dahil madali lang mag-apply! Mag-download lamang ng application form sa www.pagibigfund.gov.ph at sagutan. Maaari ring makakuha ng application form sa lahat ng Pag-IBIG Branch. Siguraduhin lamang na mayroon na kayong Pag-IBIG Fund Membership ID (MID) number. Ipasa ang inyong application form, mag­pakuha ng litrato at pumirma sa digital tablet at mag-fingerprint. Php100 lamang ang bayad dito at maaari ka ng makakuha ng malaking discount sa halos 290 partners nito! Kaya ano pa ang hinihintay ninyo mga katsika, mag-apply na ng Pag-IBIG Loyalty Card!

◘◘◘

Kamakailan, tumaas ang bilang ng overseas workers sa pag-avail ng housing at cash loans sa Pag-IBIG Fund. Humigit-kumulang kalahating bilyon ang naipamahagi ng Pag-IBIG Fund sa halos 23,153 OFW members mula January- October!

Masaya itong ipina­malita noong OFW Day dahil halos 228% increase sa parehong period noong isang taon. Bukod pa rito, ipinakilala rin ng Pag-IBIG Fund ang mga partner nitong government at non-government organization at ilang private entities na sumusuporta sa mga programa para sa mga OFW member.

Ang Pag-IBIG Fund ay may 23 overseas posts, worldwide para maga­bayan ang lahat ng mga OFW member; 9 sa Middle East, 4 sa Europe; 8 sa Asia-Pacific at 2 sa North America. Saman­tala, matatagpuan ang Pag-IBIG Fund International Operations Group (PIOG) office sa 6th floor, Justine Building, 317 Sen. Gil Puyat Avenue, Makati City.

♥♥♥

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page