First time raw, aktor crush na crush pa naman, Luis… JESSY, KUMANTA SA NARAMDAMAN SA TIKIMAN NILA N
- BULGAR

- Dec 9, 2018
- 2 min read

FIRST time nagtambal nina Jessy Mendiola at Jericho Rosales sa MMFF entry na The Girl in the Orange Dress na mula sa Quantum Films, Star Cinema at MJM Productions at showing sa December 25, 2018.
Sa trailer ng movie ay ipinakitang may kissing scene sila kaya na-curious kaming itanong kay Jessy kung ano’ng na-feel niya sa ‘halik’ ni Echo na sikat na sikat ngayon dahil sa seryeng Halik ng Kapamilya Network.
Ani Jessy, hindi naman torrid ang kissing scene nila sa The Girl in the Orange Dress pero siyempre ay natuwa siya dahil matagal na raw niyang crush si Echo since Pangako sa ‘Yo days pa lang.
“Surreal na makatrabaho ko ‘yung crush ko and I’d like to believe na lumabas ‘yun sa mga eksena namin,” hirit ni Jessy na dinagdagan pa ng revelation na “Wala akong kilalang ibang artista kundi si Jericho Rosales dati.”
Ipinagpaalam pa ba niya sa BF na si Luis Manzano ang kissing scene nila ni Echo?
“Binasa ni Luis ‘yung script, so alam din niyang may kissing scene,” pag-amin ni Jessy.
Si Echo naman ang tinanong namin kung nailang ba siya sa kissing scene nila ni Jessy knowing na GF ito ng friend niyang si Luis?
“Oh, yeah, of course. But it all falls under respect, ‘di ba? Be sensitive... I do respect all my leading ladies,” sagot ni Echo na in fairness, sa dami ng naka-kissing scene niya, never pang may nagreklamo sa kanya dahil nag-take advantage siya.
Anyway, mula sa direksiyon ni Jay Abello, kasama sa cast ng The Girl in the Orange Dress sina Sheena Halili, Hannah Ledesma, Ria Atayde, Nico Antonio, Via Antonio, Cai Cortez at Juan Miguel Severo.





Comments