Bossing, nagpaubaya na lang… COCO, SINAPAWAN SI VIC SA MOVIE


MAY mga nagtatanong kung okey lang ba kay Bossing Vic Sotto na sa title ng pelikulang Jack Em Popoy: The PulisCredibles na entry sa MMFF 2018 ay parang mas lumalabas na mas bida sa kanya si Coco Martin.
Mapapansin sa title ng movie na nauna nga ang character ni Coco Martin bilang si Jack Halimuyak na isang pulis. Pulis din sina Popoy (Vic Sotto) at Em Fernandez (Maine Mendoza).
Nagpaubaya ba si Bossing Vic kay Coco kaya pumayag siyang mauna ito sa billing?
Comedy King na si Vic at mahigit na apat na dekada na siya sa showbiz. Nasa pedestal na si Bossing at isa nang icon. Si Coco, ngayon pa lang umangat nang husto ang career dahil sa remake ng Ang Probinsyano.
Pero, naging mapagbigay ang Comedy King na si Vic at binigyan niya ng kredito ang pagiging professional at dedikasyon ni Coco sa kanyang trabaho bilang artista.
Tinanggap nina Vic at Direk Mike Tuviera ang mga suggestions ni Coco para sa ikagaganda ng Jack Em Popoy: The PulisCredibles.
Kaya naman, kumpletos rekados ang kanilang pelikula — may comedy, action at drama. Swak na swak din ang pagsasama nina Vic, Coco at Maine.





Comments