WHITE CHOCOLATE AT BACKDOOR COVER, PATOK
- Green Lantern
- Dec 8, 2018
- 2 min read

WALONG karera ang inihanda ng Manila Jockey Club Inc.(MJCI) at napapalooban ng carry over sa Super Six na paglalabanan ng 10 kalahok na kabayo sa paghataw ng laban sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona Cavite ngayong araw.
Opo, 10 kabayo ang maghaharap na pinapaboran ng Phenomenal, Iron Hook.
Munting Angel, Alta’s Glory, Two Timer at Here I Am, para sa Super 6 na Carry Over ng P21,752. ang Super Six kasabay ng Pick 5.
Magsisimula ang Winner-Take-All (WTA) sa Race 2 at pinapaboran ang White Chocolate ni Patrick Uy at Dixie Storm, Joseph Dyhengco.
Susundan ng Pick 6 sa Race 3 at pinapaboran naman ang Trust Worthy, Royal Bell, Kentucky Rain at Inter State.
Muling magaganap ang Pick 5 sa Race 4 at pinapaboran ang Backdoor Cover, ng W.T. Tan stable, Alfie ng JA Dichaves Stable, El Mundo ng E.T.
Galang Stable at Beach Surfer ni Aristeo Puyat. Kung papipiliin ako, pupusta ako sa El Mundo at Beach Surfer.
Magandang magaganap na laban sa Race 5 sa pagitan ng Balang Araw, Lord Vanity at What A Feeling na siyang magpupukpukan sa karerang nabanggit.
Susundan naman ng laban sa Race 6 at nakalalamang ang entry ni Mr. Puyat na Agent Zarto, Miko Na Nga at Wild Talk.
Sa Race 7, ipinapatok ang Glitter Face, ng H F. Gianah Jr. stable, asahan na magbibigay ng magandang laban ang couple entry na Play It Safe at Miss Thrifty at Tenseventeen.
Maigting na labanan ang magaganap sa huling karera sa Race 8, sa pagitan ng Breaking News, couple entry na Silver Glow/Sizzling Hot, Puerto Princesa at Camorra na magiging paratingan sa WTA, P6, Pick 5 at Pick 4.
Tip ni Mang Ding: WTA (2-8) 9-4/6-8-4-2/1-5/2-4/9/1-5/ 9: PICK 6(3-8)2-4-6-8/1-5/2-4/9/1-5/9: PICK 5 (1-5) 2-10/9-4/6-8-4-2/1-5/2-4; PICK 5 (4-8) 1-5/2-4/9/1-5/9: PICK 4 (5-8) 2-4/9/1-5/9





Comments