Tulak na tanod timbog
Pabs Hernandez III
Dec 8, 2018
1 min read
NORTHERN SAMAR—Isang barangay tanod na drug pusher ang dinakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Cervantes, Catarman sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Prudencio Unay, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Unay na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments