SM kasama ang BDO, may pamaskong handog para sa ating lahat!

HELLO, Bulgarians! 17 days na lang, Pasko na! Kaya hindi na magkandamayaw ang mga katsika natin sa pagbili ng mga regalo para sa kanilang loved ones. Pero, hindi lang tayo ang may regalong ipamimigay dahil maging ang SM kasama ang BDO ay may pasabog na handog para sa atin!
Pinagsama-sama ang in-demand artist ngayon sa iisang stage with the biggest at most joyful Christmas! Ito ay hindi lang para sa atin kundi pati na rin sa mga OFW at sa kanilang pamilya bilang Pamaskong Handog 2018! Tulad ng variety show, magsasama-sama ang ilang comedian at singer. Kasama na r’yan sina Donita Nose, MC at Lassie; “Tawag ng Tanghalan” finalists Anton Antenor Cruz at Jennie Gabriel; Halik star Sam Milby; Moira dela Torre, today’s love team MarÑigo, TNT Boys at marami pang iba!
Hindi lang ‘yan, magkakaroon din ng raffle games kung saan puwedeng manalo ng exciting prizes mula sa BDO, SM, Taal Vista, SM Cinema, Toy Kingdom, SM Appliance, Sky Ranch, Storyland, Jollibee Gift Certificates, Vice Ganda Cosmetics at marami pang iba! Mayroon ding ongoing raffle promo ang BDO para sa mga OFW na puwedeng mag-uwi ng Pangkabuhayan Showcase; thousands worth of shopping spree sa SM Store, Supermarket o Savemore at overnight stay sa kahit saang affiliated hotels! Kaya payo ng BDO para sa mga OFW, patuloy lang ang pagpapadala sa inyong pamilya gamit ang BDO Remit partners abroad para more chances of winning!
Sisiguraduhin ng SM kasama ang BDO na magiging memorable ang pag-uwi ng OFW sa kanilang pamilya dahil bihira sa kanila ang nakakauwi ng ganitong season.
Kaya mga katsika, tara na at magsama-sama sa December 15, 2018, 2pm sa SM Mall of Asia Music Hall para sa grandest Christmas celebration, ever!
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments