PINAY ARDINA, 3RD PLACE SA ICTSI GOLF

PUMALO si Yupaporn Kawinpakorn sa final round 69 at sinungkit ang titulo sa ICTSI Pradera Verde Ladies Golf Classic na tumapos na may kabuuang 208 at ibinulsa ang top prize na P250,000 sa kabuuang P1-M. Tinalo ni Kawinpakorn ang kanyang kababayan na sina Pimpadsorn Sangkagaro at Omnicha Konsunthea sa final round at kunin isulat ang kanyang pangalan unang Thai golfer nanalo sa golf course sa Lubao, Pampanga.
Pumangalawa si Sangkgaro, 29, taga-Changmai na may total 210 kasama ang final round 71 na nagkakahalaga ng P120,000.
Pumangatlo ang Pinay na si Dottie Ardina na humataw ng 71 sa may kabuuang 211 at ibinulsa ang P85,000 at si Princess Mary Superal ay pumang-apat na pumalo ng 213 sa 3-day tournament na tumanggap ng P76,000. Samantala, halos 70 coaches, sports practitioners at teachers ang nagpatala sa naganap na Philippine Sports Commission-Korea Institute of Sports Science national coaches/school coaches quarterly lectures sa PhilSports Complex sa Pasig City. Nagbigay ng lectures sina Dr. Hyunjoo Cho tungkol sa Sports Policy: Global Coaching Leadership; at Dr. Hongsun Song na ipinaliwanang ang Sport Talent under Exercise Psychology.
“The KISS is part of the bilateral agreement of Korea and Philippines for sports plans and programs,” pahayag ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez. Sa Biomechanics, magsasalita si Dr. Jeheon Moon tungkol sa Change and Future ng Biomechanics sa hapon sunod ang practical applications sa sports medicine na nakatoka kay Dr. Eonho Kim habang si UNESCO-Kiss Chairman and Program Manager Dr. Hyunjoo Jung ay dumalo rin sa nasabing event.





Comments