Kung sa serye ni Coco, pasok… MICHAEL V., 'DI KAYANG TULUNGAN SI MYSTICA
- BULGAR

- Dec 8, 2018
- 1 min read

SINAGOT na ni Michael V. via his Twitter account ang isyu tungkol sa diumano’y pandededma niya kay Mystica na diumano’y gustong magpa-guest sa kanyang mga shows sa Siyete, ang Bubble Gang at Pepito Manaloto.
Sana, naintindihan ito ng may-edad nang sexy star. Hindi naman kasi executive ng GMA si Bitoy kaya wala sa desisyon niya ang pagpapasok ng mga artistang guests sa show.
Samantala, ang mga artistang guests ngayon sa Pepito Manaloto sa episode na The Janitor ay sina Jak Roberto, Thea Tolentino, Jeric Gonzales, Klea Pineda at Shaira Diaz.
Tiyak, may mga viewers ang mag-aabang kung may eksena sa PM sina Mikoy at Thea na dating mag-sweetheart. May kilig factor pa kaya?





Comments