top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kaya make sure na nagagawa n’yo ito kahit once a week, besh! PAGPAPAMASAHE NG PAA, EPEKTIB NA PANLAB

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 8, 2018
2 min read

FOOT massage ang kadalasang hina­hanap-hanap natin pagkatapos ng naka­papagod na araw. Ngunit, knows ba ninyo na ang sam­pung minuto ng foot massage ay puwe­deng makapag-boost ng pagiging malam­bing ng mga kalala­kihan? Wow!

Ayon sa pag-aaral, ang pagpisil at pagmamasahe ng mga paa ay nakapagbibigay ng nakare-relax na pakiram­dam at nati-trigger nito ang paglabas ng cuddle hormone na tinatawag nating oxytocin.

Ang oxytocin ay isang uri ng kemikal na inire-release ng ating mga nanay tuwing sila ay nanganganak, nagbe-breastfeed at nakikipag-cuddle.

Isang pag-aaral ang isi­nagawa sa 40 kalalakihan kung saan sila ay minasahe nang sampung minuto. Hi­nati sa dalawang grupo ang mga kalahok kung saan ang isa ay nakaranas ng hand mas­sage at ang isa naman ay gu­mamit ng massage ma­chine.

Bago umpisahan ang foot massage, kinuhanan ng blood samples ang mga ka­lahok at tiningnan din ang level ng kanilang oxytocin, gayundin ginawa ulit ito sa kanila pagkatapos ng sam­pung minutong masahe upang makita kung may pag­babagong nangyayari sa ka­nilang dugo at oxytocin.

Matapos ang foot mas­sage ng mga kalahok, napag-alaman ng mga researcher na tumaas ng 51% ang oxy­tocin level ng grupong na­karanas ng hand massage at 18% ang itinaas ng oxytocin level ng kabilang grupo.

Ayon sa mga researcher, dahil sa pagtaas ng cuddle hormone o oxytocin level, mas nagiging malambing umano ang kalalakihan sa kanilang partner o kahit sa kanilang nanay.

Kaya ang payo ng mga eksperto, ugaliing bigyan ng foot massage ang inyong mga partner pagkatapos ng kanilang nakapapagod na araw sa trabaho nang sa ga­yun ay maging malambing sila sa inyo at hindi maging masungit.

Oh, ayan, para sa mga sissy natin diyan na palaging pagod ang partner dahil sa trabaho, gawin ninyong habit ang pagmamasahe sa kanila pagkatapos ng mahabang araw. Nakapag-bonding na kayo, good mood pa ang bawat isa.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page